Tandaan.
Kadikit ng pagmamahal ay sakit na walang katumbas.
Pero dahil dun at matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa at sumubok ulit hanggang sa makita natin ang tunay na karapat-dapat sa atin.
Trial and Error pero hindi laro.
Kung hindi mo susubukan na hayaan ang sarili mong magmahal dahil lang takot kang masaktan, hindi mo makikita kung sino ang para sayo.
Hindi mo maipapakita sa mundo kung anong kaibahan ng iba sa kanya. O ang kaibahan niya sa iba. Hindi mo mararanasang kumilala ng iba’t-ibang uri ng tao sa ibang level na relasyon at hindi mo masasabing tagumpay kang sumunod sa kung anong naitadhana sa iyo dahil lang sa takot mong madapa at masugatan.
Ang bawat kamatayan ay may kasalungat na kapanganakan ng isang bagong buhay.
Sa bawat pighati at pagdadalamhati, may nakalaan na mas mainam na kaligayahan at biyaya kung may determinasyon kang sumubok muli na tumayo at ipagpatuloy ang paglalakbay sa buhay para makita mo ang hinaharap mo sa mabuting mga kamay ng tunay na nakatakdang magmahal sayo ng tunay.
Minsan sa isang parte ng buhay ko, nagmahal ako. Natakot akong makipagsapalaran kaya nagkahiwalay kami. Pero nung determinado nakong sumubok, siya naman ang lumayo. Napagtanto niyang kahit mahal nya ako ay mas minamahal nya ang dati nyang kasintahan. Nasaktan ako. Dumating ung ikinakatakot kong mangyari. Pero matapos ang isang gabing pagkalugmok ko sa sawing pag-ibig, dumating ako sa reyalisasyon na baka may iba pang nakalaan sa akin. Na hindi talaga kami para sa isa’t-isa. Mahal ko pa rin siya. Pero napagtanto ko na hindi naman ganun kasakit dahil sa bawat araw na magkapiling kami nuon ay naging totoo naman kami at masaya sa isa’t-isa. Inenjoy namin ung pag-ibig namin sa isa’t-isa.
Umiyak ako. Pero marahil ay dahil iyon sa sakit sa kadahilanang hindi man lang namin sinubukan ang isang opisyal na relasyon bago kami nagdecide ng “Tama na.” Pero dahil hindi ako natakot sumubok, madali ko din natanggap na…
Hindi naman kasalanan ang magmahal kahit wala ka sa tamang oras, lugar, at panahon. Mas kasalanan kung iiwasan mo ang katotohanang may kakayahan kang umibig dahil lang takot kang makasakit or masaktan.

No comments:
Post a Comment